4m 45slongitud

Ano ang pinagkaiba ng kasal sa Biblia at kasal sa huwes? Alamin ang sagot ni Bro. Eli Soriano ayon sa Biblia. Sa huwes, legal iyon. Kahit saan ka makarating legal iyon pagka huwes ang nagkasal sa iyo, legal iyon in terms of law. Pero iba naman ang kasal sa Dios, magkaiba iyon sa kasal sa huwes, kasal sa mayor, magkaiba ang kasal sa nasa Biblia na nakaukol sa Iglesiang totoo. Ang Iglesiang nasa Biblia iba naman iyon, iyon ay pagtatali, kapatid. Ang kasal pagtatali iyon sa termino ng Kasulatan. Basahin natin ang Roma 7:2, Kapatid na Luz - ROMA 7:2 ANG DATING BIBLIA Sapagka’t ang babae na may asawa ay itinali ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay; datapuwa’t kung ang asawa’y mamatay, ay kalag na sa kautusan ng asawa. “…ang babae na may asawa ay itinali ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay;” Ganiyan ang kasal sa amin, kapatid. Pagka nag-asawa ka, itatali ka na ng kautusan. Ibig sabihin, kumbaga sa kalabaw, hindi ka na malaya, na kahit saan ka puwedeng pumunta. Makakaikot ka lang kung saan umaabot ang tali. Mayroon ka na ngayong restriction. Pagka nag-asawa ka na may restriction ka na. Bawal ng makipagbiruan sa ibang babae, makipaghalikan, o magkaroon ng extra marital sex sa ibang mga babae. Bawal na ang maraming bagay pagka may asawa ka na. Kailangan sa Hebreo 13:4, ang sabi – HEBREO 13:4 ANG DATING BIBLIA Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: sapagka't ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios. Ang dapat sa mag-asawa na sa Iglesiang totoo, marangal ang pagsasama, walang dungis ang higaan. Ang pagsasama nila hindi madudungisan ng pakikiapid at ng pangangalunya kaya bawal na manliligaw ka pa sa iba, makikipag-outing-outing ka pa sa iba. Hindi namin ipinahihintulot iyon pagka ikaw ay may asawa na. At bawal din ang diborsyo sa batas ng Dios sa kasal sa Iglesia ng Dios. Basahin natin ang Mateo 19:5 – MATEO 19:5 ANG DATING BIBLIA At sinabi, Dahil dito’y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman? MATEO 19:6 ANG DATING BIBLIA Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao. Bawal ang diborsyo. Hindi puwedeng paghiwalayin. Kaya dito sa amin bago kami pumayag na magkasal kami, tinitiyak naming dalawa ay nagkakaintindihan, nagmamahalan, mayroon silang pangako sa Dios at sa tao na hindi sila magtataksil, hindi sila nagpikutan, hindi sila tinutukan ng baril; tinitiyak namin iyon bago kami magkasal. At iyon ay pagkakasal na sinasabi sa Biblia na hindi na sila dalawa pinagsama na sila bilang isang laman. “Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao.” Iyon ang aral na nakasulat sa Biblia. Ngayon, gaano kahalaga ang kasal? Gaano iyan kahalaga ang kasal na sa Dios? Siguro kung tutukuyin natin ang kasal sa Dios, kasi bawal papaghiwalayin mo pa ang pinapagsama nga ng Dios, bawal papaghiwalayin ng tao. Ang masasabi ko lang, kapatid, ganito. Gaano ba kahalaga ang kasal, ang totoong kasal na itinuturo ni Cristo? Isang bagay na napakarangal, marangal, “Maging marangal nawa sa lahat,” ang sabi sa Biblia. “Marriage is honorable in all,” iyon ang sabi sa Hebrews 13:4 – HEBREWS 13:4 KING JAMES VERSION Marriage is honorable in all, and the bed undefiled: but whoremongers and adulterers God will judge. Mahalaga iyon sa Dios. Iyon ay isang union na hanggang kamatayan. “Until death do you part.” Hanggang kamatayan iyon. Roma 7:2.